LIBRENG GAMOT: SERBISYO PARA SA MAMAMAYAN NG JALAJALA

Mayroon po tayong mga available na gamot na pwedeng hingin sa ating GSO (2nd floor Jalajala Municipal Hall). Siguraduhin lamang po na may kaukulang reseta ang mga nais humingi ng gamot.

MAHALAGANG PAALALA:
Para sa mga unang beses na hihingi ng gamot pangmaintenance – dumaan po muna sa ating Health Center KASAMA ANG PASYENTE para mainterview ng ating mga medical professionals at maitala sa ating record. Bibigyan kayo ng papel para dito nakalista ang mga gamot na ibibigay sa inyo bilang monitoring record. Kapag okay na ang record, maari nang magtungo sa GSO para naman mabigyan ng gamot. Kapag mayroon nang monitoring record, maari nang dumiretso sa GSO para sa susunod na beses na paghingi ng gamot.

Ang tanggapan ng GSO ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 am – 5:00 pm (except for holidays).
Ang serbisyong ito ay mula sa Lokal na Pamahalaan ng Jalajala sa pangunguna ng ating butihing Mayor, KGG. ELMER C. PILLAS para sa mga kababayan nating Jalaleño kung kaya’t ang mga gamot na ito ay maibibigay ng LIBRE sa sinumang nangangailangan.

Narito po ang listahan ng mga available na gamot:
Amoxicillin
Amoxicillin Drop
Co-trimoxazole
Losartan
Mefenamic Acid
Gliclazide
Hyoscine
Paracetamol
Amlodipine
Metformin
Doxycycline
Diphenhydramine
Simvastatin