PhilSys Jalajala – National ID

Magandang Hapon !

Bukas po ang ating tanggapan sa pagrerehistro sa NATIONAL ID bukas July 20, kahit tayo ay may ipagdiriwang na Holiday (Eid’l Adha).

Ang Team PhilSys Jalajala ay nasa Brgy. Bayugo pa din, wala na pong STUB na ipamimigay dahil sa ang karamihan ay hindi rin nmn po ito sinusunod. “First Come, First Serve” policy na po tayo, at tuwing 8 am ang bigayan ng number hanggang 10am lng po o hanggang maubos ang slot para sa araw na iyon. Ang tagal ng pagstay nmin sa Brgy. Bayugo ay depende sa kukuha ng slot number. Kaya hinihikayat po nmin na ang pagpunta sa BRGY ay tuwing 8-10am lang po para sa slot numbers.

Tumatanggap na po kami ng edad

• 5 – 14 , basta sasamahan po ng magulang at may dalang original na Birth Certificate

•May appointment slip o wala

•Nakapagregister online o walaSalamat po.